DFA Current News

Philippine Passport Express Service

 

Parangal ng Embahada sa Abuja para sa mga OFWs Bilang "Bagong Bayani" sa Pagdiriwang ng National Heroes Day

Friday, 03 September 2010 10:32


3 Setyembre 2010 - Pinarangalan ng Embahada ng Pilipinas sa Abuja ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Nigeria at buong West Africa bilang mga bagong bayani sa pagdiriwang ng National Heores Day.

Ang pagdiriwang ay ginanap sa Abuja Horse and Country Club noong ika-29 ng Agosto, kasabay ng Fun Run at Walk for a Cause ng Pusong Pinoy Association (PPA).

Abuja_Natl_Heroes_Day

Sa kanyang talumpati, ginunita ni Ambassador Nestor N. Padalhin na ipinagdiriwang sa ikaw-30 ng Agosto ang Araw ng mga Bayani.

Inalala niya ang mga ginawa ng mga bayani para sa kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas at pinarangalan ang pagpapakasakit ng mga ito, lalung-lalo na ang mga nagbuwis ng sariling buhay upang magkaroon ang Pilipinas ng kalayaan - mula kay Lapu-Lapu, Bonifacio, Rizal, Mabini at Quezon hanggang kay Ninoy at Cory Aquino.

Idinagdag ni Ambassador Padalhin na sa Araw ng mga Bayani ay nararapat ding parangalan ang lahat ng ating mga kababayang Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Pinapurihan niya ang mga sakripisyo ng mga OFW para makapagpadala ng mahahalagang remittance sa kanilang mga minamahal sa buhay sa Pilipinas, na malaki ang naitutulong para sa patuloy na pag-unlad at pagiging matatag ng ekonomiya ng ating bansa.

Inanyayahan din ni Ambassador Padalhin ang lahat ng mga Pilipino sa isang tanghalian para ipagdiwang ang Eid al-fitr sa pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan, na gaganapin sa Embahada sa ika-11 ng Setyembre.

Sa pagtatapos ng kanyang maikling talumpati, malugod na binati ng Ambassador ang lahat ng Pilipino at kanilang mga kaibigan mula sa ibang bansa na nakibahagi sa Fun Run at Walk for a Cause.

Sinabi niya na ang aktibidad ay hindi lamang isang magandang paraan upang magkaroon ng mas mahusay na kalusugan, kundi ito rin ay isang nakakaaliw na pagtitipon at salu-salo para sa lahat ng mga Pilipino sa Abuja.

Ang Fun Run at Walk for a Cause ay inorganisa ng PPA at sinuportahan ng Embahada upang isulong ang kalusugan ng mga Pilipino.

Abuja_Natl_Heroes_Day-1

Matapos umikot sa Abuja Horse and Country Club, ang lahat ay nagsalu-salo sa isang masarap at tipikal na almusal na Pinoy na inihanda ng mga opisyal ng PPA.

Pinamunuan ni PPA President Grace Abrazado at Philippine Embassy Consular Assistant Alimoden Emam ang mga panalangin.

Nagkaroon din ng iba't ibang mga palaro at masiglang sayawan sa pamumuno ng dating PPA President Lolita Victorino na ikinaaliw ng lahat.  WAKAS

Abuja_Natl_Heroes_Day-2

 




Affordable Webhosting Provider 

   Philippines
Copyright 2008 Philippine Passport Express
Home | About Us | Services | Contact Us | FAQ | Site Map